Lunes, Setyembre 5, 2011

Buhay na Bayani

            Ipinagdiriwang natin ang araw ng Kagitingan tuwing ikaw-9 ng Abril.Ilang dekada na ang nakararaan ay maraming Filipino ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng bansang Pilipinas.


            Ang mga taong nakiisa noong mga panahon na iyon ay maituturing na bayani, mga bayani ng nakalipas na panahon, at ayon din sa ating gobyerno ang mga (OFW) ang mga makabagong bayani sa kasalukuyan. Milyong OFW ang nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa milyong dolyar na sahod na ipinapadala sa kanilang mga sa buhay na ang  kapalit ay ang nakakabaliw na trabaho na dumadapo sa bawat pinoy na nasa ibang bansa.
           Ang dapat nating gawin ay pahalagahan natin ang kanilang ginagawa para sa ating bansa ang sa pamamagitan ng pag-alala sa kanila, ngunit sana ay atin ding alalahanin ang mga bayaning buhay na mas magbibigay ng solusyon o suhestiyon saating mga problema gaya ng OFW,guro,magsasaka,mga sundalong,pulitikong may puso at mga iilang modelong mamamayan.Ang mga bayaning buhay ay dapat nating bigyan ng mas malaking suporta dahil may malaking kaugnayan sila sa hinaharap.





1 komento: