Miyerkules, Agosto 31, 2011

Lumban Laguna

                   Ang Bayan ng Lumban ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 25,936 katao sa 5,456 na kabahayan. Ika-apat na pinakamalaking bayan ang Lumban sa lalawigan ng Laguna.Isa ang bayan ng Lumban sa mga pinakamatatandang bayan sa lalawigan ng Laguna.Ang kabisera ng lalawigan,ang Santa Cruz,pati na rin ang Cavinti at ang bantog na Pagsanjan,ay dating bahagi ng Lumban.Dito matatagpuan ang Lawa ng Caliraya.Ang bayan ng Lumban ay nasa layong 104 kilometro timog silangan ng Maynila,ang kabisera ng bansa.Malaki ang ginampanan na bahagi ng Lumban hindi lamang sa kasaysayan ng Laguna,gayundin sa kasaysayan ng Pilipinas.Isa ito sa mga sentro ng sining ng lalawigan noong panahon ng mga Kastila,at isang patunay ang pagkakaroon ng paaralan kung saan itinuturo ang musika.
                   Hinango ang pangalang Lumban sa isang punong kahoy na nagngangalang “Lumbang”. Isa ito sa mga pinakamatandang pook sa Laguna na tinaguriang Sentro ng Pagbuburda sa Pilipinas. Kabisera nito ang bayan ng Santa Cruz.
Ang Lumban ang tanging bayan sa Laguna kung saan umunlad ang pagbuburda bilang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay. Nagagawa ng bawat magbuburda sa Lumban na magsaliksik hinggil sa kanilang mga ninuno na naging mag-aaral sa mga paaralang pinamamahalaan ng mga misyonaryo mula pa noong panahon ng mga Espanyol. Sa pagdaraan ng mga panahon, naipasa ang sining ng pagbuburda mula sa isang henerasyon hanggang sa mga sumusunod pang mga henerasyon. Sa kasalukuyan, ang pagbuburda ay isa nang masiglang industriya na lumilikha din ng “hand-painted” na tela.
Humigit kumulang sa 80 porsiyento ng populasyon sa Lumban ang lumalahok sa pagbuburda. Ayon sa mga lokal na naninirahan dito, pinakamababa na ang bilang ng isa sa nagbuburda sa bawat pamilya.
Ang mga Lumbeños ang gumagawa ng pinakamahusay at pinakapinong disenyo ng Barong Tagalog at Filipiniana sa Pilipinas kung kaya naging bantog ang barong ng Lumban bilang isa sa mga pinakamaganda sa buong mundo. Ilan sa mga kilalang personalidad ng lipunan tulad nina Corazon Aquino at Imelda Marcos, at maging ang iba pang maybahay ng mga pulitiko ay kumukuha ng kanilang kasuotang Filipiniana mula sa pamosong lugar na ito.
                 May ipinagmamalaking pagdiriwang ang Lumban ito ay ang Burdang Lumban Festival.Ang Burdang Lumban Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-21 ng Septyembre taun-taon upang ipagmalaki ang pangunahing industriya ng Lumban.Pagbuburda ang kanilang kahusayan gamit ang maselang tela ng pinya at husi. Isa rin itong selebrasyon bilang pagpupugay sa sinaunang sining ng pagbuburda maging ang kagalingan at pagiging malikhain ng naturang mga residente.Itinatanghal sa pagdiriwang na ito ang iba’t ibang mga gawang kamay na burda tulad ng Barong na gawa mula sa hibla ng pinya, kasuotang pambabae, toga, pangkasal, belo, bandana, mga bag, damit na Maria Clara, palamuti sa bahay, kurtina, lamping pangmesa, panyo, at iba pa.




1 komento:

  1. Halted is a great place to work for and I am very excited about this opportunity and I look forward to working with you and your company for the opportunity to work with you and I look forward to working with you and your company for the opportunity to work with you and I look forward to working with you and

    TumugonBurahin