Bakit nasabi ng ilan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Sa palagay niyo ba ay may mga kabataan pa rin na maituturing na pag-asa ng bayan?
Dahil ang mas nakikita ng ilang kabataan ang pagkakamali ng mga nakakatandang at sa pamamagitan nito ay maitutuwid nila ang pangkakamali at makakaharap sila sa panibagong bukas na masagana.Pero sa aking palagay ay hindi na dahil marami ng kabataan ang nalululong sa droga,hindi na nakakapag-aral dahil sa pagkasugapa sa ipinagbabawal na gamot.Marami sa kanila ang isinusuka na ng lipunan sapagkat pawang kasamaan ang ginagawa.Ang ilan ay nasasangkot sa pagpatay,pagnanakaw,panggagahasa at iba pang masasamang gawain.
Ngayon masdan niyo ang mga kabataan marami ang pakalat-kalat sa mall kahit na ang dapat ay nasa loob ng paaralan at ang kaharap ay guro.At marami rin sa kanila’y nasa loob ng internet café o computer shop minamaster ang kung anu-anong video games sa halip na ang kanilang assignatura ang ginagawa,habang ang kanilang mga magulang ay halos dugo na ang ipawis sa paghahanap-buhay.Marami sa kanila ang maagang napapasok sa sindikato at napapariwa ang kapalaran;mga kabataang hanap ay basag-ulo at walang pakialaman sa mga taong kanilang naagrabyado.
Noon, sumasalamin sa ating mga kabataan ang pagiging makabayan. Pagpapaunlad ng kaalaman ng batay sa kanilang karanasan, sa ugali at tradisyon na kinagisnan. Katulad ng mga laro noon (taguan, patintero, luksong baka, at iba pa) na ang gamit ay buong katawan, humahasa ng lakas, isip at ng talento. Marahil din noong panahong iyon, ang mag-aaral ay nagsasaliksik ng kanilang takdang aralin sa kanilang pamamaraan, nagtitiyagang maglipat sa kanilang kwaderno ng kaalamang sa aklat na sa silid-aklatan lang nila matatagpuan, gamit ang daliri at lapis o ballpen. Dahil sa ganitong karanasan, naging likas na mapamaraan ang mga kabataan. Noon din, karaniwang pangarap din ng isang bata ang maging titser , sundalo,doktor at arkitekto, simpleng pangarap din ang maging magaling na karpintero. Kapag tinanong ang isang bata noon kung bakit ganito nila gusto maging paglaki nila, ang karaniwang sagot ay "Para mapaunlad ang Bayan, o makatulong para sa pag-unlad ng bayan o para tumulong sa mga mamamayan"
pa?Ang iba naman gusto maging,ang makapagtrabaho sa ibang bansa,at upang makaahon sa hirap.Malayo na ang agwat ng pagkakaiba.
Malaki ang tulong ng ating tekonolohiya sa pag-unlad ng bayan at pag ginhawa ng buhay ng bawat isa. Kaya lamang ang pag-unlad na ito ay sumesentro lamang sa kabuhayan ng bansa. Hindi lahat nadadala ng teknolohiyang ito sa pag-unlad, at minsan pa nga nakakaapekto pa sa kabuhayan ng iba? Pansinin ang ating mga kababayang katutubo at ibang taga probinsya, sa aminin natin at sa hindi, apektado sila ng teknolohiya. Bumababa mula sa kabundukan upang makipagsapalaran. Paano kasi, nasisira na ang kanilang kabuhayan.
Ang riyalidad na nag lipana ang batang lansangan ang patunay na may umuunlad at merong hindi. Ang iba naman, palaboy at sumisinghot ng rugby para pamalit sa gutom, napipiltang gumawa ng masama para lang may makain.
Hindi ko alam kung nakikita ng ating kabataan ngayon ang mali sa hinaharap o ang mismong kamalian ngayon. Kaya pa ba nila ituwid ito para sa lugar na kanilang kinagisnan o para sa sarili na lamang? Nasa kanila pa rin ang lakas, ang talino at ang pangarap. At sa tamang pagsubaybay sa kanilang paglaki at pagdisiplina ng magulang, sila pa din ang Pag-asa ng Bayan.